Planong pagbubuwis sa mga online sellers, binusisi sa budget hearing sa Senado

Pinalinaw ni Senator Robinhood Padilla sa Department of Finance (DOF) ang balak na pagbubuwis sa mga online sellers.

Sa pagdinig ng 2023 budget ng DOF, sinabi ni Padilla kay Finance Secretary Benjamin Diokno na nag-aalala ang kanyang asawa sa planong pagpapataw na buwis na isa ring online seller.

Ayon kay Diokno, isinusulong ng ahensya na buwisan ang mga produkto na ibinebenta sa online upang maging patas sa mga regular na tindahan na pinapatawan ng buwis ang mga produkto.


Tinanong naman ni Padilla kung kailan sisimulan ang pagbubuwis sa mga online sellers at kung may kategorya para rito lalo’t may mga online sellers na maliliit lang ang kita.

Tugon naman nina Diokno at BIR Commissioner Lilia Guillermo, gagawin pa nila ang batas sabay biro ni Padilla na sila pala sa Kongreso ang gagawa ng batas kaya pwede pa nila itong kontrahin.

Facebook Comments