Planong pagdeploy ng mga sinibak na Caloocan police sa mga rally bukas, inalmahan ng LP senators

Manila, Philippines – Iginiit nina Liberal Party Senators Kiko Pangilinan at Franklin Drilon sa pamunuan ng Pambansang Pulisya na huwag ituloy ang planong pagdeploy ng mga nasibak na Caloocan police sa mga rally bukas sa Quirino grandstand.

Ang panayag ay ginawa ng dalawang senador makaraang i-anunsyo ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na ang mga sinibak na Caloocan police ay idaragdag sa Crowd and Disturbance Management Forces bukas.

Diin nina Pangilinan at Drilon, sinibak ang nabanggit na mga pulis dahil nakitaan ng pag-abuso sa tungkulin at ng mali sa asal.


Magugunitang sinibak lahat ng mga pulis ng lungsod dahil sa pagkakasangkot ng ilan sa mga ito sa nakawan at patayan.

Dahil dito ay iginiit nina Pangilinan at Drilon na hindi makatwiran na iharap ang nabanggit na mga pulis sa mga raliyista bukas.
Senado, target maipasa ngayong araw ang bersyon ng panukala na magsususpinde sa Barangay at SK elections

Inaasahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maipapasa sa 2nd o kaya ay sa 3rd and final reading mamayang hapon ang kanilang bersyon ng panukalang pagsuspinde sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections na nakatakda sana ngayong Oktubre.

Kumbinsido si Drilon na magiging kapareho na halos ng bersyon ng Kamara ang ipapasang panukala ng Senado.

Ito ay makaraang alisin na rin ng Senado ang probisyon sa kanilang panukala na nagpapahintulot kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng Officer-In-Charge o OIC para sa mga matatanggal na barangay chairman dahil sa umano ay pagkakasangkot sa iligal na droga.

Sabi ni Drilon, sa kanilang napagkasunduan sa plenaryo, katulad ng bersyon ng Kamara ay magkakaroon ng holdover o magpapatuloy na lang sa kanilang panunungkulan ang mga barangay chairman na nakatakdang mag-e-expire ngayong Oktubre ang termino.

Samantala, sa session mamayang hapon ay ipiprisinta na rin ni Committee on Ways and Means Chairman Senator Senator Angara sa plenaryo ang bersyon ng senado sa Tax Reform Bill.

Ayon kay Senator Angara, pirmado na ng mga miyembro ng komite ang report pero may mga nakasulat na ma-interpellate at yung iba naman ay magpapasik ng amendments.

Facebook Comments