Planong paghain ng diplomatic protest laban sa Turkey, hindi na itutuloy

Hindi na itutuloy ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang plano nitong maghain ng diplomatic protest laban sa Turkey.

Nabatid na inanusyo ng kalihim sa kanyang Twitter account na maghahain siya ng diplomatic protest laban sa Ankara kasunod ng mga ulat na nakipagpulong ang gobyerno nito sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, na hindi alam at walang pahintulot mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Paglilinaw ni Locsin – nakatanggap na siya ng tugon kay Turkish Ambassador to Manila Artemiz Sumer.


Giit ni ng kalihim, ang isang soberenyang bansa ay mayroong lamang iisang armed forces at isang ministry of foreign affairs na hahawak ng lahat ng ugnayan pandaigdig.

Facebook Comments