Planong pagkakasa ng protesta ng Piston sa Mendiola, hindi papahintulutan ng Manila LGU

Photo courtesy: Piston

Hindi papayagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang planong kilos-protesta at camping ng grupong Piston sa Mendiola.

Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Chief Operations Wilson Chan, kanilang tututukan at babantayan katuwang ang Manila Police District (MPD) ang Mendiola para hindi makagawa ng anumang aktibidad ang nasabing grupo.

Bukod sa Mendiola, tututukan rin ang sitwasyon ng mga biyahe ng jeep sa Sta. Mesa, Pedro Gil, L. Guinto at Paco na na-monitor ng MTPB na magkakasa ng tigil-pasada.


Bantay sarado naman ng MPD ang mga boundary ng lungsod kung saan naka-deploy na ang libreng sakay sa pangunguna nanan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Facebook Comments