Planong Pagpalit sa Pangalan ng ‘Landingan Viewpoint’ sa Quirino, Tinutulan

*Cauayan City, Isabela- *Mariing tinututulan ng tribung ‘Bugkalot’ ang pagpapalit sa pangalan ng sikat na pasyalang ‘Landingan Viewpoint’ na matatagpuan sa bayan ng Nagtipunan, Quirino.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong John Caanauan, chieftain ng tribung Bugkalot, kanyang sinabi na hindi aniya basta-basta pwedeng palitan ang pangalan ng Landingan viewpoint sa ‘Nieveland’ dahil marami pa itong unsettled issues.

Ang lupa rin aniya na sakop ng Landingan Viewpoint ay pagmamay-ari ng ilang mga pribadong indibidwal at pasok sa ancestral domain ng mga tribu at mamamayan ng Nagtipunan, Quirino maging ang probinsya ng Nueva Vizcaya at Aurora.


Sinabi pa ng Chieftain na ang matinding isyu sa nasabing pasyalan ay pinopondohan mismo ng LGU na kung saan ay hindi dapat aniya maaaring gamitin ang pera ng gobyerno para sa pagpapaayos sa pagmamay-ari ng mga private individuals.

Hindi rin sang-ayon ang nasabing pinuno sa ipapangalang ‘Nieveland’ dahil halata aniya na pang personal lamang ito at posible itong kinuha sa pangalan ng nakaupong alkalde na si Mayor Nieverose Meneses.

Dagdag pa ni Caanauan, ang pangalan aniya ay dapat pabor o kagustuhan ng lahat at hindi iisang tao lamang ang nagdedesisyon.

Facebook Comments