Cauayan City, Isabela- Plano ang pagpapalit anyo ng old capitol avenue o ang quirino street patungong mamangi park sa City of Ilagan para sa paggawa ng modernong pasyalan ng publiko.
Ito ay makaraang pangunahan ng isang kilalang architect/urban planner na si Paulo Alcazaren ang Master Development Plan.
Ayon kay City Mayor Josemarie Diaz, ilan sa iba pang isasailalim sa napipintong pagsasagawa ng proyekto ay ang Centennial Park, DBP sidewalk, planong pagtatayo ng plaza maging commercial building.
Dagdag pa ng alkalde, sumasailalim na inisyal na hakbang ang pamahalaan para dito na inaasahang matatapos sa unang quarter ng taong 2021.
Samantala, suportado naman ni DA Sec. William Dar ang pagpapagawa sa proyektong Ilagan Corn Complex at nakatakdang maglaan ng pondong P270 million sa bawat implementasyon sa ilalim ng stimulus package ng ahensya.
Kumbinsido naman si Diaz na sa susunod na taon ay maisasapubliko na ang ilang proyekto.
Inaasahan namang maibibigay ang nasabing pondo sakaling matapos na ang hinihinging dokumento ng ahensya sa Lokal na Pamahalaan ng Ilagan.