Plano ng Department of Health (DOH) na palawigin pa ang COVID-19 vaccination rollout para sa mga kabataan may comorbidity hanggang sa labas ng Metro Manila.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maituturing na tagumpay ang naunang 2 phase ng vaccination rollout dahil walang naitalang serious adverse effects sa mga kabataang nabakunahan.
Aniya, posibleng isagawa ito bago ang katapusan ng Oktubre.
Aprubado rin ng World Health Organization ang expansion ng adolescent vaccination roll sa ilang rehiyon.
Pero payo ni WHO Representative Dr Rabindra Abeyasinghe, kailangang tiyakin muna na patas ang magiging pamamahagi ng bakuna sa mga probinsya at dapat nabakunahan na ang mas maraming populasyon ng mga mas bulnerable sa nasabing sakit.