Planong pagpapalaya kay dating Customs Commissioner Faeldon, tinutulan ni Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Tinutulan ni Senador Antonio Trillanes ang umano’y planong pagpapalaya ni Senador Richard Gordon kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa harap na rin ito ng pagmamatigas ni Faeldon na humarap sa pagdinig ng Senado.

Sabi ni Gordon na papauwiin na lang si Faeldon sa harap ng pagmamatigas nito na huwag humarap sa pagdinig ng senado ukol sa mga anumalya sa Bureau of Customs.


Lunes nang magtungo sa Senado si Faeldon para magpakulong kaysa sagutin ang mga akusasyon tungkol sa nakalusot na P6.4 bilyong drug shipment sa BOC.

Giit ni Trillanes – tanging ang komite lang na nagdesisyong makulong si Faeldon ang siya ring magde-desiyon kung palalayain ang dating opisyal.

Pinasaringan pa ni Trillanes si Gordon dahil sa aniya’y pagmamagaling nito sa Senado.

Samantala, inihahanda na rin daw ng kanyang mga abogado ang isasampang ethics complaint laban kay Gordon.

Facebook Comments