Planong pagpapaluwag ng quarantine restrictions, ipagpaliban muna – PCP

Umapela ang grupo ng mga doktor sa gobyerno na ipagpaliban muna ang planong pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila.

Sabi ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, kahit mas konti ang naitatalang kaso ngayon ng COVID-19, nananatili namang puno ang mga Intensive Care Unit (ICU).

Dahil dito, makabubuti aniyang panatilihin ang “General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions” kaysa bumalik sa total lockdown sakaling muling sumipa ang kaso ng COVID-19.


Hinimok din ni Limpin ang pamahalaan na magpadala ng tulong sa mga probinsyang nakararanas ngayon ng surge ng COVID-19 cases.

Facebook Comments