Manila, Philippines – Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may namomonitor silang mga planong pagpapasabog ng mga terorista para guluhin ang gaganaping plebesito sa ilang lugar sa Mindanao.
Aniya layunin ng mga grupong ito na takutin ang mga tao para hindi matuloy ang plebesito.
Pero nakabantay at nakaalerto aniya ang tropa ng militar at hanay ng pulis para mapigilan ang mga planong IMPROVISED Explosive Device (IED) attack.
Hiling ni Lorenzana sa mga taga Mindanao, magkaroon ng respesto sa isa’t isa at huwag magtakutan.
Wala namang problema kay Lorenzana kung magdedeploy ng military tanks sa mga voting precints para sa plebesito.
Sinabi ng Kalihim mas matatakot ang mga nagpa planong maghasik ng gulo kung mayroong mga sundalo pulis at tangke ng militar sa mga voting precinct.