9 patay, 20 sugatan sa car bomb sa Colombia

Colombia – Siyam ang patay habang mahigit 20 ang sugatan sa car bomb sa isang police academy sa Bogota, Colombia.

Ang kotse ay ibinangga malapit sa General Santander school bago tuluyang sumabog.

Agad namang kinondena ni Colombia President Ivan Duque ang insidente at tinawag itong ‘miserable terrorist act’ laban sa mga otoridad.


Iniutos na din ni Duque ang pagtugis sa mga nasa likod ng pag-atake.

Facebook Comments