Planong Pagpapataas sa Alicaocao Overflowbridge, Wala nang Tyansa

Cauayan City, Isabela- Malabo na umanong maisagawa ang konstruksyon sa Alicaocao overflowbridge sa lungsod ng Cauayan ngayong taong 2021.

Ito ang kinumpirma ni City Mayor Bernard Faustino Dy sa kanyang Virtual State of the City Address kahapon, Pebrero 12.

Ayon sa alkalde, lumalabas sa ginawang feasibility study ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi na ito ligtas na mapataasan pa ng tulay dahil malambot na ang lupa sa ibaba nito.


Ngunit, sinimulan na ang hakbang sa paggawa ng Sta. Luciana-San Pablo (Gov. BGDy Bridge) at susunod ang Cabaruan-Mabantad (Gov.FNDy Bridge) na alternatibong tulay ng mga residente ng East Tabacal at Forest Region sa tuwing nakakaranas ng tubig-baha ang Alicaocao overflowbridge.

Facebook Comments