Planong pagpapataw ng buwis sa single-use plastic, sinang-ayunan nina Senador Poe at Angara

Suportado nina Senator Grace Poe at Senator Sonny Angara ang plano ng Department of Finance (DOF) na buwisan ang single-use plastics.

Katwiran ni Senator Poe, ang pagpapataw ng buwis sa single-use plastics ay paraan para mabawasan o matigil ang paggamit nito na lubhang nakakapinsala sa kalikasan.

Para kay Poe, daan din ito para makumbinsi ang publiko na mas piliin ang paggamit ng ibang packaging na available sa lokal na merkado sa halip na plastic.


Sabi naman ni Senator Angara, maging sa ibang bansa ay pinapatawan din ng buwis ang single-use plastic para mahikayat ang mamamayan na mas gamitin ang recyclable bags at materials na mas makakabuti sa kalikasan.

Bukod dito ay sang-ayon din si Angara na buwisan ang mga produkto at serbisyo na nabibili o nakukuha online o pamamagitan ng internet maliban na lang kung ang mga ito ay itinakda na exempted sa buwis.

Facebook Comments