
May epekto pa rin sa Pilipinas ang plano ng Amerika na taasan ang taripa sa mga exported na produkto.
Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, tatamaan nito ang supply chain ng bansa dahil bahagi ng global economy ang Pilipinas.
Pero paliwanag ng kalihim, halos 60% ng ekonomiya ng bansa ay domestic at 70% naman ay nanggagaling sa serbisyo.
Kaya kung maaapektuhan man aniya ng external factor ang ekonomiya ng bansa ay mababawi naman ito sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kalakalan.
Dagdag pa ni Balisacan, kailangang ipagpatuloy ang pagiging agresibo sa bilateral at regional trading arrangements para mapunuan ang ekonomiya mula sa ganitong mga uri ng hamon sa performance ng bansa.
Facebook Comments