Planong pagpapauwi kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, pinalagan ng ilang Senador

Manila, Philippines – Pinalagan nina Senators Bam Aquino, Antonio Trillanes IV at Panfilo Ping Lacson ang napaulat na plano ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na planong pagpapauwi kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na ilang araw ng nakaditine sa Senado.

Ayon kay Senator Aquino, kung papauwiin si Faeldon ay wala ng testigong pupunta sa padinig ng Senado dahil lahat ay posibleng magpakulong at makakauwi din naman.

Giit naman ni Senator Trillanes magiging paglabag sa rules ng komite kung mag isang magpapasya si gordon na pauwiin si Faeldon.


Maging si Senator Lacson, ay nanindigan na walang otoridad si Gordon at sinuman na mag isang magdesisyon kung papauwiin si Faeldon at iba pang napapaaresto ng Senado.

Paliwanag ni Lacson, dahil collegial body ang Senado ay dapat pagbotohan ang anumang hakbang.

Sabi naman Senate President Koko Pimentel bahala si Senator Gordon na magdesisyon kasabay ang paalala layunin ng subpoena kay Faeldon na paharapin ito sa pagdinig ng Senado ukol sa mga anumalya sa Bureau of Customs.

Facebook Comments