Planong Pagsasaayos ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan sa mga Sementeryo, Nakalatag Na!

*Cauayan City, Isabela- *Nakalatag na ang mga plano ng local na Pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan kaugnay sa pagsasaayos at pagpapaganda sa mga sementeryo sa Lungsod.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mr. Oliver Francisco, ang pinuno ng City Planning and Development Office, mayroon na umanong nakalaang budget para sa pagpapabakod at paglalagay ng mga murals sa mga lumang sementeryo.

Ayon pa kay Mr. Francisco, Planong gawin na parke ang mga lumang sementeryo sa Lungsod ng Cauayan kung maiilipat na ang lahat ng mga labi ng nakalibing sa bagong sementeryo sa brgy San Francisco, Cauayan City, Isabela.


Ang bagong sementeryo ay may lawak na mahigit tatlong ektarya na may ibat-ibang klase ng pagpapalibing dipende sa gusto ng kaanak ng ililibing.

Dalawang taon na rin umanong ipinatigil ang paglilibing sa lumang sementeryo dahil sa punuan na at wala ng sapat na espasyo para sa mga bagong ililibing at makikilibing.

Hinihintay na lamang umano na matapos ang ginagawang road widening dito sa Lungsod ng Cauayan bago ilarga ang pagsasaayos at pagpapaganda sa lumang sementeryo na malapit sa Maharlika Highway ng Cauayan City.

Facebook Comments