Pinag-aaralan ngayon ng Department of Health at ng National Vaccination Operations Center na maglagay ng vaccination sites malapit sa mga polling center.
Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na makapagpabakuna kahit araw ng eleksyon.
Pero dahil hindi kakayanin ng health human resource ng mga regional offices ng DOH na pangasiwaan ang pagbabakuna, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na maaari itong gawin nang boluntaryo ng Local Government Units.
Gayunpaman, kinakailangan muna ng pag-apruba ng Commission on Elections para rito.
Iniiwasan din kasi ng DOH at NVOC na mabahiran ng pulitika ang gagawing pagbabakuna sa araw ng eleksyon.
Facebook Comments