Tuesday, November 17, 2026

Planong pagtatatag ng ASEAN Maritime Center sa bansa, welcome sa AFP

Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtanggap sa concept note at terms of reference para sa pagtatatag ng ASEAN Maritime Center sa Pilipinas.

Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea, Retired RAdm. Roy Vincent Trinidad bilang isang archipelagic na bansa, ang nasabing inisiyatiba ay umaayon sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept ng Department of National Defense (DND).

Binigyang-diin nito ang whole-of-nation at regional cooperative approach para mapangalagaan ang maritime domain ng bansa at maipromote ang malaya, bukas at nakabatay sa batas na mga hakbang.

Dagdag pa ni Trinidad, habang magsisilbing pangunahing sentro ng kaalaman at suporta sa mas malawak na mga inisyatiba mula sa maritime domain hanggang sa blue economy ang ASEAN Maritime Center, tiniyak nito na ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ay mananatiling matatag sa kanilang mandato.

Aniya, patuloy silang makikipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan para matiyak na ang operasyon nito sa West Philippine Sea (WPS) ay naka-aligned sa national policy, international law at sa itinatakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Facebook Comments