
Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalawak ng merkado para sa mga produktong agrikultural at pangisdaan ng Pilipinas sa Canada at Brazil.
Ito ang naging sentro ng pakikipagpulong ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa mga lider ng dalawang bansa sa sidelines ng 49th ASEAN Summit.
Sa pakikipag-usap kay Canadian Prime Minister Mark Carney, tinalakay ang mga oportunidad sa ilalim ng Free Trade Agreement, kabilang ang mas malawak na agricultural exports at pagkuha ng makabagong teknolohiya para sa lokal na produksyon.
Samantala, sa pulong kay Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva, tinalakay ang posibleng pag-export ng tobacco, sardinas, tuna, bangus at ube sa Brazil.
Napag-usapan din ang 60-day restriction ng Pilipinas sa ilang pork imports, na layong protektahan ang lokal na industriya ng baboy.
Layunin din ng DA na palakasin ang food security at agricultural supply chains ng bansa sa gitna ng mga hamon sa pandaigdigang kalakalan.










