PLANONG PAGTATAYO NG COLD STORAGE AT FISH PROCESSING FACILITY SA BAYAN NG SUAL, TULOY NA TULOY NA

Opisyal nang uumpisahan ang planong pagtatayo ng isang Cold Storage at Fish Processing Facility sa bayan ng Sual matapos pirmahan ang kasunduan sa naturang proyekto.

Kasamang lumagda sa kasunduan sa pagitan ng mga kawani ng Food Terminal Inc. at ng Lokal na Pamahalaan ng Sual sa pangunguna ng alkalde ng bayan sa planong pagpapatayo ng isang Cold Storage Facility sa bayan.

Kamakailan, bumisita sa Bayan ng Sual ang mga opisyal ng National Food Authority at Food Terminal Incorporated kung saan isinagawa ang ocular visit at para tingnan ang posibilidad ng pagpapatayo ng naturang pasilidad.


Malaking umano ang magiging tulong ng pasilidad na ito lalo na sa mga mangingisda maging sa mga food producers, manufacturers, exporters at iba pang kabilang sa food industry.

Ayon kay Mayor Calugay, marami umano ang benepisyo nito sa pamamagitan ng pagpapahaba ng shelf life at mapanatili ang maayos imbentaryo ng mga produkto gaya ng karne ng baboy, baka at manok.

Ito ay may layong mapabuti ang pamumuhay ng bawat mangingisda sa bayan.

Facebook Comments