MANILA – Bistado ang planong terror attack sa pista ng itim na Nazareno sa Lunes.Base na rin ito sa tatlong intelligence official kung saan napaamin nila ang suspek sa Davao City night market bombing at sinabing kasama sa kanilang plano ang pag-atake sa pista ng NazarenoAyon sa security analyst na si Prof. Rommel Balaoi, makikitang basehan dito ang magkakasunod na pagpapasabog kabilang na ang naudlot na pambobomba malapit sa U.S. embassy sa Maynila at insidente ng pagsabog sa Hilongos, Leyte.Pero, una nang sinabi ng PNP at AFP na wala silang natatanggap na anumang banta sa gaganaping aktibidad.Kasunod nito, sinabi ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na magbabantay pa rin sila para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng tinatayang nasa 15 milyong debotong sasama sa prusisyon.Tinatayang 5,000 pulis ang ipapakalat ng NCRPO sa taunang traslacion o prusisyon ng itim na Nazareno sa Enero 9 (Lunes).Samantala, umapela si Albayalde sa mga deboto na sasaksi sa pagdiriwang na huwag nang magdala ng mamahaling kagamitan o alahas sa nasabing pagdiriwang at pinapayuhang huwag na ring isama ang mga bata para maka-iwas sa disgrasya.
Planong Panggugulo Sa Pista Ng Itim Na Nazareno – Bistado Matapos Ibinunyag Ng Suspek Sa Pambobomba Sa Lungsod Ng Davao
Facebook Comments