Mariing tinutulan ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang planong privatization ng EDSA bus carousel.
Giit ni Castro, tiyak magdudulot ito ng pagtaas ng pasahe sa bus na magiging dagdag pahirap sa mga mananakay.
Dismayado si Castro na sa pagpasok ng taong 2023 ay pahirap na naman ang sasalubong sa ating mga kababayan.
Paliwanag ni Castro, ang kailangan ng mga commuters ngayon ay tulong o anumang magdudulot ng kaluwagan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Bunsod nito ay hinihiling ni Castro na sana ang gobyerno na lang ang magpatakbo ng EDSA bus carousel upang ito ay panatiling libre ito at bayaran din ng nasa tamang oras ang mga bus drivers at konduktor na nagsisilbi dito.