Planong privatization sa NAIA, pag-aaralang mabuti

Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista na pag-aaralang mabuti at hindi basta-basta ang pagdedesisyon kaugnay sa planong pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Paliwanag ni Bautista, dadaan pa ito sa masusing pag-aaral at pag-apruba ng National Economic and Development Authority o NEDA.

Binigyang diin ito ni Bautista sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa nangyaring aberya sa NAIA nitong January 1.


Tugon ito ni Bautista sa pahayag ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na ang pagsasapribado sa NAIA ay hindi magtitiyak na magiging maayos ang serbisyo nito sa publiko, at posibleng magdulot din ito ng pagtaas ng pasahe ng mga eroplano.

Magugunitang bago magtapos ang 2022, ay nabanggit ni Bautista na isusulong ng Marcos administration ang privatization ng NAIA.

Facebook Comments