Welcome sa Department of Education (DepEd) ang plano ng Kamara na pag-aralang muli ang K-to-12 Program.
Layon ng review na malaman kung naging epektibo ang programa sa kabila ng kakulangan sa equipment partikular sa automotive, electrical at sports.
Sa interview ng RMN Manila inamin ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na kulang pa talaga ang mga pasilidad at kagamitan pero ito ay dahil sa may sinusunod silang batas pagdating sa mga procurement.
Ayon pa kay Sevilla – kailangan ng DepEd ng 12 taon para sa full cycle ng programa bago makapagbigay ng assessment kung naging epektibo ang k-to-12.
Nagpasalamat naman ang DepEd sa Kongreso matapos makatanggap ng mataas na annual budget na P551.7 billion dahil sa funding requirement ng k-12 curriculum.