Planong revolutionary government ni Pangulong Duterte, labag sa batas – dating mambabatas

Manila, Philippines – Nilinaw ng dating mambabatas na si dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo na walang probisyon sa Saligang Batas na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte o sinumang presidente ng Pilipinas para magtatag ng Revolutionary Governement maliban sa pagdeklara ng Martial Law o batas militar at pagpapatalsik ng kasalukuyang Pangulo ng bansa.

Sa ginanap ng forum sa Manila, sinabi ni Satur Ocampo na para umano magawang makapagtatag ng gobyernong rebolusyonaryo si Pangulong Duterte kakailanganing ikudeta niya ang kanyang sarili kung magtatatag siya ng Revolutionary Government.

Paliwanag ni Ocampo na kung sakaling ituloy ni Pangulong Duterte ang bantang magtatag ng gobyernong Rebolusyonaryo, nangangahulugan umanong isinantabi nito ang pagkakaroon ng Kongreso at Senado at maging Hudikatura para akuhin ang lahat ng kapangyarihan at pangangasiwa ng sambayanan.


Facebook Comments