Planong SRP sa fertilizers, suportado ni Senator Pangilinan

Pabor si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa plano ng Department of Agriculture (DA) na magtakda ngSuggested Retail Price (SRP) scheme sa fertilizer.

Paliwanag ni Pangilinan, ang pagtatakda ng SRP ay isang paraan na dapat ikonsidera para maprotektahan ang supply chain ng agricultural products mula sa pagtatanim hanggang sa hapag-kainan.

Ayon kay Pangilinan, bukod sa mungkahing dagdag na fertilizer subsidy para sa mga magsasaka ay kailangan din ang pagtatakda ng SRP para mabalanse ang pangangailan ng mga magsasaka at interes ng mga konsyumer.


Diin pa ni Pangilinan, kung hindi kakayaning bumili ng mga magsasaka ng fertilizers para sa pananim ay bababa ang ani na magreresulta sa pagtaas ng presyo ng pagkain.

Ikinatwiran ni Pangilinan na kailangang bigyan ng malaking konsiderasyon ang stability ng food supply para sa lahat ng pamilyang Pilipino sa gitna ng pandemya.

Sabi ni Pangilinan, ito ay para hindi tumindi ang malnutrisyon, gutom at food insecurity ng bawat Pilipino ngayong.

Facebook Comments