PLANTANG NUCLEAR ENERGY SA LABRADOR, ISINUSULONG

Isinusulong ang isang plantang nukleyar sa bayan ng Labrador na inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyales mula sa Distrito Dos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Nagkaroon naman ng pagpupulong ukol sa itinataguyod na planta katuwang ang China National Nuclear Corporation.
Layunin ng isinusulong na nuclear energy na makamit ang mura at maaasahang kuryente, hindi lamang sa bayan ng Labrador, pati na rin sa buong lalawigan ng Pangasinan, at maging sa buong bansa rin.

Samantala, bukas naman sa mga partnerships ang lokal na pamahalaan ng Labrador at Kongreso ng Distrito Dos, lalo na ang mula sa mga organisasyong may kaalaman dito upang tuluyang maisakatuparan ang proyekto. |ifmnews
Facebook Comments