HIGIT 300K NA TULONG PINANSYAL, IPINAMAHAGI SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Higit tatlong-daang libong piso na tulong pinansyal ang naipamahagi sa mga residente sa bayan ng San Nicolas.
Nasa dalawang daan at apat na benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay ng nasabing bayan ang nakatanggap ng tulong pinansyal – tulong medikal, emergency shelter at burial assistance.
Pinag-iigting din ang pangkalusugang programa sa pamamagitan nang patuloy na pagbibigay ng libreng gamot, mga vitamins, supplements, gayundin din ang mga maintenance medicines. Ito naman ay available para sa lahat ng San Nicolanians.

Samantala, laking pasasalamat naman ng mga residente sa suportang ibinibigay ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas. |ifmnews
Facebook Comments