PLANTSADO NA | DOJ panel, handa na sa mga ebidensyang ilalatag bukas sa MAKATI RTC branch 148 laban kay Trillanes

Manila, Philippines – Plantsado na ang mga ebidensyang ilalatag bukas ng DOJ panel sa Makati rtc branch 148 sa kasong rebellion ni Senador Antonio Trillanes.

Kaugnay ito ng pagpapatuloy ng pagdinig sa nasabing kaso ni Trillanes sa sala ni Judge Andres Soriano.

Tumanggi naman si acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na ihayag ang nilalaman ng kanilang mga ebidensya laban kay Trillanes


Una nang pinulong ni Fadullon ang DOJ panel para pag usapan ang mga ebidensyang ilalatag nila sa pagdinig bukas

Nanindigan din si Fadullon na huwag palitan ang DOJ panel na may hawak sa nasabing kaso.

Facebook Comments