Top Most Wanted sa Alicia, Isabela, Bagsak na sa Kulungan!

*Alicia, Isabela-* Bagsak na sa kulungan ang Top Most Wanted sa bayan ng Alicia, Isabela matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito bandang alas onse kwarentay singko kaninang umaga sa brgy. Sto Domingo, Alicia, Isabela.

Kinilala ang natimbog na suspek na si Ronald Villanueva Calpito, trentay sais anyos, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Alicia si Villanueva sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ni hukom Ariel Palce ng Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Panggagahasa at walang nairekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala na sa himpilan ng PNP Alicia ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments