Plasma Banks sa lahat ng ospital, isinulong ni Senator Marcos

Iginiit ni Senador Imee Marcos sa lahat ng pampubliko at pribadong ospital sa bansa ang pagkakaroon ng plasma banks habang naghihintay ng epektibong bakuna laban sa COVID-19.

Tinukoy ni Marcos na base sa mga medical research, ang yellowish liquid na bahagi ng dugo ng tao na tinatawag na plasma na nakukuha sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 ay nakatulong upang gamutin ang mga tinatamaan ng kaparehong virus.

Ang mungkahi ni Marcos ay nakapaloob sa inihain niyang Senate Bill No. 1648 o ang Plasma Donation and Collection Act na layuning masimulan ang pagkuha ng plasma sa mga donor at magkaroon ng pasilidad para rito ang mga ospital sa buong bansa sa loob ng isang taon.


Inaatasan ng panukala ang Department of Health (DOH) na bumuo ng mga alituntunin kung sino ang maaaring maging donor at mga pamamaraan sa maayos na pagkuha ng plasma upang maiwasan ang mga naipapasang sakit.

Ang panukala ay tugon din ni Marcos sa napaulat na pagbebenta at pagbili ng plasma sa Central Visayas.

Facebook Comments