Plastic ban, ipapatupad na sa Parañaque

Simula Enero ng susunod na taon, ban na sa lahat ng establisyimento sa lungsod ng Parañaque ang paggamit ng single-use plastic.

Nabatid na naantala noong Hunyo ang pagpapatupad ng City Ordinance No. 18-40 o ang pagbabawal sa single-use plastics sa lungsod dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ilalim pa rin ng ordinansa, tanging ang manufacturers lamang ang papayagang gumamit ng plastic para sa packaging habang ang mga supermarket at public market vendors naman ay kailangang gumamit ng biodegradable plastic.


Aabot sa P5,000 ang multa sa kada paglabag habang sa ikatlong paglabag ay kakanselahin ang business permit at ipasasara ang establisyimento.

Layon ng ordinansa na mabawasan ang problema ng bansa sa plastic waste na una nang ipinatupad sa mga lungsod ng Makati, Pasig, Muntinlupa, Pasay at Quezon.

Facebook Comments