20 katao, arestado matapos mag-party sa loob ng Manila North Cemetery

Arestado ang nasa 20 indibidwal matapos dumalo sa handaan sa isang binyag na ginanap mismo sa loob ng Manila North Cemetery sa Maynila.

Nilusob ng Manila Police District Station 3 ang lugar matapos na ireklamo ang mga bisita dahil sa pag-iinuman at pagvi-videoke.

Hindi rin sila nakasuot ng face masks at hindi naipatupad ang physical distancing.


Ang mga inarestong bisita at maging nagpabinyag ay nahaharap sa paglabag sa mga panuntunan ng community quarantine.

Matatandaan na nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine (GCQ) ang Maynila kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang malaking pagtitipon lalo na kung hindi nasusunod ang minimum health protocols na inilatag ng pamahalaan.

Facebook Comments