Plastic bottle, puwedeng ipambili ng school supplies sa Laguna

Imbis na pera, maaaring makakuha ng school supplies kapalit ng mga plastik na bote sa isang tindahan sa Laguna.

Pinasimulan ng Sangguniang Kabataan (SK) Barangay Banilad, sa Nagcarlan, Laguna ang eco-friendly na proyektong ito na tinawag nilang ‘Palit-Plastic Bottle Sari-sari Store.’

Sa Facebook page ng nasabing SK, naka-post ang larawan ng stall at mga katumbas na gamit ng plastic bottles.


Tumatanggap din ang SK ng mga donasyong school supplies.

Marami naman ang natuwa sa makabuluhang proyekto na ito ng nasabing SK.

Umabot na sa 12K likes at 23K shares ang Facebook post ng SK.

Facebook Comments