PLASTIC BOTTLES KAPALIT NG WIFI, NAIMBENTO NG MGA ESTUDYANTE

CAUAYAN CITY- Isang kahanga-hangang machine ang naimbento ng mga engineering students mula sa Cagayan State University-Carig Campus.

Ang proyekto ay Wifi Vendo Machine na kapalit ay plastic bottles kung saan humihikayat ito sa pagreresiklo ng mga plastic bottles kapalit ng internet connection.

Kinilala ang mga engineering students na sina Christian Cabero, Emerson Facelo, Divine Grace Nifalar, Artemio Paredes, George Alnajes, at Chaznie Viggayan.


Ang nasabing wifi vendo machine ay may wifi router kung saan nabibilang nito ang mga naipapasok na plastic bottles na tutukoy sa haba ng oras ng paggamit ng wifi.

Samantala, ang proyekto ay naisakatuparan sa loob lamang ng tatlong buwan at nagkakahalaga ng P30,000.

Facebook Comments