Baguio City, Philippines — Bilang ng mga nakokolektang Plastic Waste sa Baguio City bumaba ng Tatlumpung porsiyento.
Ayon kay General Services Office Head Eugene Buyucan nakatulong ang Plastic and Styro-Free na ordinansa sa pagbaba ng bilang ng mga Plastic Waste. Dagdag pa niya ay mas ginagamit na ang iba pang alternatibong mga kagamitan gaya ng mga papel at eco bags.
Ayon sa kanya ay malaking development ito sa pag babawas ng plastic materials para sa kalikasan.
Naging mas mahigpit na rin ang mga grocery stores sa lungsod kaya naman ang mga mamimili ay nagdadala na ng sarili nilang eco bag o bumibili na lang.
Ikaw ba iDOL, gumagamit ka na rin ba ng eco bag o papel?
Facebook Comments