Plate-making plant ng LTO, mag-o-operate ng 24 oras

Mag-o-operate ng 24 oras ang Land Transportation Office (LTO) vehicle plate-making plant upang mapunan ang kailangang car plates ng ahensiya at tuloy mapunan ang malaking vehicle plate backlog nationwide.

Sinabi ni LTO Property Section Head Clarissa Ogsimer, sa ngayon ang plate making plant ng LTO ay lumilikha lamang ng 28,000 plates kada araw pero planong gawin itong 38,000 kada araw upang mapunan ang 12.50 million backlog sa vehicle plates hanggang sa ikatlong quarter ng taong 2025.

Aniya, iikli ang panahon na mapupunan ang backlog sa plaka kung magiging 48,600 plates ang magagawa ng planta kada araw.


Sinabi ni Ogsimer na gagawing tatlong shift ang pasok ng mga tauhan sa planta kapag naging 24 oras ang operasyon nito.

Puntirya ng LTO na makalikha ng 3.7 milyong plaka sa kalagitnaan ng kasalukuyang taong 2024.

At 8.8 milyong plaka o 70.7% ng backlog ay magagawa sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.

Facebook Comments