Playboy model, nag-trending sa pagrampa sa New York suot ang damit na gawa sa dolyar

New York City – Ginawang model ramp ni Victoria Xipolitakis ang ilang kalye at subway sa New York City para mamahagi ng ‘blessings’ sa mga taong makakasalubong habang suot ang damit na gawa sa tunay na dollar bills

Nakuhanan ng video ang 31-anyos na mula sa argentina na tila nag-iikot sa New York, at pinapipitas ang mga pera na nakasabit sa kanya sa mga taong makakasalubong.

Ayon kay Victoria, marami na raw siyang natatanggap na biyaya sa kanyang buhay at ito na umano ang panahon para ibahagi niya ito sa lahat.


Bukod pa rito, plano rin niyang magtayo ng isang foundation na makakatulong sa mga mahihirap.

Facebook Comments