Pagsasaayos ng nasirang tulay sa Malate, posibleng umabot pa ng 2 buwan

Posibleng umabot pa ng dalawang buwan bago maayos ang nasirang tulay sa Adriatico St. Malate, Maynila.

Bumigay ang bahagi ng tulay sa estero de abad nang maatrasan ito ng isang truck na naghahakot ng basura sa isang condominium building.

Ayon kay kagawad Lydia Payos ng Brgy. 720, zone 78, dahil sa tagal ng panahon, naging marupok na ang tulay.


Sa pagtaya ng Department of Public Works and Highway, aabutin pa ng Disyembre bago tuluyang maayos ang nasirang bahagi ng tulay.

Sa ngayon ay pinagbabawalan munang dumaan ang malalaking truck at mabibigat na sasakyan para hindi na tuluyang bumigay ang nasabing tulay.

Facebook Comments