Plaza sa Isang Bayan sa Ilocos Norte, pininturahan ng Rainbow Colors

iFM Laoag – Naging makulay ang plaza sa Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Bacarra sa lalawigan ng Ilocos Norte matapos pininturahan ng kulay rainbow o bahag-hari.

Ayun kay Mayor Fretzie Dela Cruz-Gapasin, ito ay simbolo nang kanilang pasasalamat sa lahat ng biyaya na natatanggap ng lokal na gobyerno kabilang na dito ang mga parangal gaya na lamang nang prestihyosong ‘Seal of Good Local Governance’. Nagkataon naman na fiesta sa nasabing bayan.

Ang interpretasyun naman nang karamihan lalo na ang mga netizens ay supportado ang pamahalaan sa LGBT community. Ngunit ganun paman, dagdag nang alkalde na bukas sa lahat nang kaisipan kung iba’t-iba ang interpretasyun ng mga tao sa naturang sining.


Makikita ang nasabing Crosswalk-Art sa harap ng munisipyo sa nasabing bayan na nagdurogtong sa plaza nito. Instagramable ito kaya’t dinarayu narin ng mga bisita kabilang narin ang mga turista dito.

Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments