PLDT at Globe, mag-a-upgrade ng kanilang cell sites para sa mas mabilis na internet connection

973

Mag-a-upgrade ng kanilang cell sites ang PLDT Telecommunications Company at Globe Telecom para sa mas mabilis na internet connection.

Nauna nang nag-upgrade ang Globe matapos madagdagan ng 593 cell sites para sa 4G LTE bilang makabagong teknolohiya para maibigay ang mabilis na koneksiyon sa internet lalo na sa mga gumagamit ng mobile phone.


Ipapa-experience rin ng PLDT Inc. sa kanilang mga customer ang kanilang 5G internet connection sa darating na 2021.

Ayon kay PLDT Chairman and CEO Manuel V. Pangilinan, suportado ng kanilang kumpaniya ang SMART Communications kung saan, sakop nito ang nasa 95 percent na gumagamit ng SMART LTE.

Dahil dito, mas mag-iimprove ang mga gumagamit ng mga mobile data at mas magiging maganda ang mga video na inyong paboritong panoorin.

Facebook Comments