2018 Miss Universe Catriona Gray at Liza Soberano, patuloy na magkukuwento at magsasalita para sa mga kababaihan

664
Photo Courtesy: Catriona Gray (L) & Liza Soberano (R) | Instagram

Patuloy pa ring magkukuwento at magsasalita para sa mga kababaihan sina Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray at Liza Soberano matapos balaan ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na huwag makilahok sa mga aktibidad ng mga makakaliwang grupo.

Matatandaang binalaan ni Parlade ang dalawa na kung hindi sila hihiwalay sa grupo, ay posible silang matulad sa ibang babae na naging New People’s Army (NPA) na doon nagsimula at ngayon ay patay na.


Idinawit din ni Parlade si Angel Locsin kung saan, sinabi niya na alam ni Angel ang koneksiyon ng Gabriela sa NPA dahil kapatid nito si Ka Ella Colmenares na naging NPA sa Quezon.

Naniniwala kasi ang mga militar na isang front organization ang Gabriela ng NPA na itinuturing na kalaban ng pamahalaan.

Sinagot naman ni Angel ang paratang ni Parlade sa kaniyang social media account suot ang pulang damit at pulang lipstick na may hashtag na #NoToRedTagging #YesToRedLipstick habang iginigiit na siya at ang kaniyang kapatid ay hindi NPA.

Ayon kay Cat, Liza at Angel, wala sa lugar ang pagdawit ni Palarde sa kanilang pangalan dahil lang sa ipinaglalaban nila ang karapatan ng mga kababaihan.




Dagdag pa nito na hindi sila titigil at wala silang kinatatakutan dahil hindi sila miyembro ng kahit na anong grupo.

Facebook Comments