PLM, nakatakdang ibalik ang face-to-face classes sa mga medical courses

Ibabalik na ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang kanilang limitadong face-to-face na klase sa Colleges of Medicine, Nursing, at Physical Therapy.

Ito ay matapos aprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang plano ng PLM na ibalik ang face-to-face classes sa mga medical courses.

Sinimulan nitong Pebrero ang konsultasyon ng PLM sa mga estudyante, mga magulang, faculty at mga practicing doctors sa Ospital ng Maynila upang malaman ang pagtingin ng mga stakeholders sa pagbabalik ng klase.


Nitong Abril naman ay binisita ng mga opisyal ng CHED ang PLM campus para matiyak ang kahandaan at pagobserba ng pamantasan sa pagsunod sa minimum health standards.

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng PLM sa pagpayag ng CHED na ituloy ang hands-on learning ng mga medical students.

Samantala, isinasapinal pa ng College of Nursing at College of Physical Therapy ang kanilang plano sa pagbabalik ng face-to-face classes para sa mga laboratory courses.

Facebook Comments