Plunder at drug trafficking sa death penalty bill, dapat sabay na maipasa

Hinimok ni Senator Bong Go ang mga kapwa niya mambabatas na pagsabayin na ang kasong plunder o pandarambong at drug trafficking sa ipapasang death penalty law.

Tugon ito ni Go sa pahayag nina Senate President Tito Sotto III at Senator Manny Pacquiao na mas malaki ang tsansa na maipasa ang death penalty bill kung nakasentro lang ito sa high level drug trafficking.

Katwiran ni Go, magkasimbigat lang ang plunder at drug trafficking kaya dapat pagsabayin na itong aprubahan na mapatawan ng bitay.


Paliwanag pa ni Go, katulad ng drug trafficking na adiksyon sa ilegal na droga ay adiksyon naman sa pera ang plunder.

Binanggit pa ni Go na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay gusto rin na maparusahan ng kamatayan ang mga mandarambong dahil dismayado na ito sa nagpapatuloy na katiwalian sa pamahalaan.

Facebook Comments