PLUNDER CASE | Dating Sen. Jinggoy Estrada, gustong gawing maghapon ang pagdinig sa kaso niya sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Pabor si dating Senador Jinggoy Estrada na gawing maghapon ang pagdinig ng Sandiganbayan sa kanyang plunder case.

Paliwanag ni Estrada, mas mapapabilis ang takbo ng pagdinig sa kaso niya kung gagawing maghapon.

Nauna dito ay itinakda ng korte na gawing umaga at hapon ang pagdinig sa kasong plunder at graft ng dating senador na may kaugnayan sa PDAF scam case nito.


Sa pagpapatuloy ng pagdinig kanina, humarap ang chief accountant ng Department of Agriculture Central Office kung saan pinatunayan nito ang kanyang isinumiteng judicial affidavit.

Mayroon pa namang sampung sinasabing benipisyaryo na pinondohan ng PDAF ni Estrada ang nakatakdang iharap ng prosekusyon sa korte sa mga susunod pang pagdinig.

Facebook Comments