Plunder case na isinampa laban kay PCSO GM Mel Robles, kaniyang sasagutin

Tiniyak ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles na sasagutin ang kasong plunder na isinampa sa Ombudsman laban sa kanya at iba pang matataas na opisyal ng PCSO.

Si Robles at iba pang opisyal ng PCSO ay kinasuhan ng grupong nagpakilalang Filipinos for Peace, Justice, and Progress Movement o FPJPM dahil sa sinasabing maanomalyang kontrata para sa operasyon ng e-Lotto.

Paliwanag ni Robles, lahat ng technical rules sa betting platforms at iba pang legal na proseso ay dinaanan ng kontrata na aprubado ng Office of the President.


Dagdag pa ni Robles na mismong ang Office of the Government Corporate Counsel o OGCC ang nagsuri sa kontrata at nagsabing naaayon sa legal na proseso.

Tinawag ni GM Robles na highly dubious ang plunder case na inihain ng complainant sa Ombudsman na ang layon ay wasakin ang PCSO.

Tiniyak ni GM Robles na sasampahan ng kaso ang mga nasa likod ng complaint na aniya ay Gross Misrepresentation of Facts.

Facebook Comments