PLUNDER | Dating P-Noy at iba pa, kinasuhan ng VACC sa Ombudsman

Manila, Philippines – Nagsampa ng panibagong kaso sa Office of the Ombudsman si Atty. Ferdinand Topacio, ang Chairman ng Legal committee ng VACC at ang Citizens Crime Watch laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino at sa dalawampung iba pa na dating opisyal sa ilalim ng Aquino administration.

Pinaka bago sa mga pangalan na kinasuhan ay si dating Executive Secretary Paquito Ochua jr at mga undersecretary at mga opisyal ng Department of health.

Plunder, malversation of public funds at violation of section 3-E of RA no.3019 ang mga kasong isinampa ng mga complainants na may kaugnayan pa rin sa pagpapatupad ng Dengvaxia mass immunization.


Kabilang sa mga kinasuhan ay sina
Doh Undersecretary Ma.Carolina Vidal Taino,
Gerardo bayugo ,
Lilibeth David,
Mario Villaverde, mga
DOH Assistant Secretary Lindon Lee Suy,
Nestor Laureano Cruz ,
Dating Disease Prevention and Control Bureau Director Erma Asuncion at sampung iba pa

Ayon sa nga complainants na sina Atty Topacio at Diego Magpantay , President ng CCW, masyado umanong minadali ang pagpapatupad ng Dengvaxia na ginamit na cover para makapangulimbat ng kaban ng bayan.

Sistematiko rin anila ang naging sabwatan ng mga opisina sa ilalim ng Executive Department para makuha ang deal sa kompanyang Sanofi .

Kahon kahong ebidensya na nagmula sa hearing ng Senado ang bitbit na ebidensya nina Topacio na magdidiin umano sa mga inaakusahan.

Facebook Comments