PLUNDER | Hatol ng Sandiganbayan sa kaso ni Revilla, iginagalang ng Malacañang

Manila, Philippines – Iginagalang ng Malacañang ang hatol na ‘not guilty’ ng Sandiganbayan 1st division kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Para ito sa kinahaharap niyang kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Pero ang kapwa akusado niya na Sina Atty. Richard Cambe at Janet Lim Napoles, guilty at hinatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong.


Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – bagama’t maraming ang kontra, wala naman aniyang magagawa kundi tanggapin ang desisyon bilang paggalang na rin sa hudikatura.

Gayunman, malaya naman aniya ang dalawang panig na gawin ang anumang legal na paraan kung sa tingin ng mga ito ay dehado sila sa naging desisyon ng Sandiganbayan.

Tiniyak din naman ni Panelo na magsisilbi itong aral para sa administrasyon sa paggamit ng pondo ng taumbayan.

Katunayan aniya, may mga ginagawa nang hakbang ang gobyerno para matiyak ang integridad ng national budget at magamit ito nang tama.

Samantala, nabatid na dalawa sa mga mahistrado sa sandiganbayan na bumoto para maabswelto si Revilla sa kanyang kasong plunder ay parehong appointee ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments