Plunder trial ni dating Sen. Jinggoy Estrada, itinakda sa July 8

Manila, Philippines – Itinakda na sa July 8, alas-8:30 ng umaga ang plunder trial ni dating Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan.

Ito ang isinapinal na schedule ng Anti-Graft Court 5th Division matapos ibasura ang demurrer to evidence ni Estrada at kapwa akusado na si Janet Napoles.

Iginiit nila sa kanilang demurrer, na hindi sapat ang ebidensya ng prosekusyon para hatulan silang guilty.


Itinuro ni Estrada ang whistleblower na si Benhur Luy at Marina Sula bilang tunay na salarin.

Sina Luy at Sula umano ang bumuo ng mga ‘ghost NGOs,’ nakipag-coordinate at follow up sa Department of Budget and Management (DBM), tumanggap ng mga tsekeng para sa disbursement ng PDAF allocation, namahagi ng kickback sa iba’t-ibang tao.

Sina Estrada, Napoles, kasama ang deputy chief of staff na si Pauline Therese Mary Labayen at John Raymund De Asis ay inakusahang mandarambong dahil sa pagbubulsa sa higit ₱183 million mula sa PDAF ni Estrada sa pamamagitan ng pag-endorso sa pekeng NGOs ni Napoles noong 2004.

Facebook Comments