PMA Alumni na dumalo sa kanilang homecoming sa Fort del Pilar sa Baguio City umabot lamang sa 1,018

Isang libo at labing walong mga Philippine Militar Academy (PMA) Alumni ang dumalo sa kanilang homecoming sa Fort del Pilar sa Baguio City.

Ayon kay PMA Spokesperson Captain Cherryl Tindog mababa ang bilang na ito kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon na umaabot sa 1,900 na mga PMA Alumni.

Sinasabing dahilan naman ni Tindog sa pagbaba ng bilang ng mga PMA Alumni ay dahil sa pangambang pagkalat ng Corona Virus Disease (COVID-19).


Habang ang ibang PMA Class naman aniya ay nauna nang ginawa ang kanilang mga aktibidad.

Sinabi pa ni Tindog pinakamatandang Cavalier na dumalo sa homecoming ay si Cavalier Carlos Chuck Agustin ng PMA Class 1959, 83 taong gulang.

Habang ang pinakabatang dumalo ay si Cavalier James Benedict Barranco PMA Class 2019, 22 anyos.

Pinakamaraming dumalong class ay mula sa Class 2019 na may 93 cavaliers.

Facebook Comments